^

Probinsiya

TABA cop tigok sa re-training sa Subic

-
Isang tinaguriang TABA (Tamad, Bastos at Abusadong Pulis) ang nasawi habang sumasailalim sa re-training sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP Spokesman C/Supt. Leopoldo Bataoil ang nasabing pulis na si SPO2 Tomas Hundangan, kasapi ng Central Police Distric (CPD)- Station 4 sa Novaliches, Quezon City.

Si Hundangan, 47, ay kabilang sa batch ng 15 personnel ng nasabing himpilan na sumailalim sa Values Leadership Training Course sa PNP Values and Leadership School sa Subic.

Nabatid na dakong alas-7 ng umaga nang bigla na lamang himatayin ang biktima habang nagjo-jogging at bagaman mabilis itong isinugod ng kanyang mga kasamahang pulis sa Cubi Medical Dispensary ay nabigo na ang pagtatangka na isalba ang buhay nito.

Kaugnay nito, nagpahatid na nang pakikiramay si Bataoil sa pamilya ng biktima sa aksidenteng pagkamatay nito.

Nakatakda namang sumailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima sa Police Regional Office (PRO) 3 Crime Laboratory upang mabatid kung may foul play sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABUSADONG PULIS

CENTRAL POLICE DISTRIC

CRIME LABORATORY

CUBI MEDICAL DISPENSARY

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

POLICE REGIONAL OFFICE

QUEZON CITY

SI HUNDANGAN

SPOKESMAN C

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with