^

Probinsiya

Mag-utol initak ng ama, grabe

-
BULACAN — Nasa kritikal na kondisyon ang mag-utol na lalaki matapos na pagtatagain ng sariling ama habang umaawat sa away ng kanilang magulang ang mga biktima sa Barangay Batasan Old sa bayan ng San Miguel, Bulacan, kamakalawa. Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang mag-utol na sina Ferdinand, 24 at Miguel Pelayo, 28, kapwa drayber at residente rin sa nasabing lugar. Naghihimas ng rehas na bakal at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Mario Pelayo,56, jobless, ng nabanggit na barangay. Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Supt. Absalon Salboro, hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan, nagkaroon ng matinding awayan ang mag-asawa kaya tinangkang awatin ng mag-utol, subalit sila ang pinagbalingan ng galit ng suspek at nauwi sa pananaga. (Efren Alcantara)

vuukle comment

ABSALON SALBORO

BARANGAY BATASAN OLD

BULACAN

EFREN ALCANTARA

FERDINAND

KASALUKUYANG

MARIO PELAYO

MIGUEL PELAYO

NAGHIHIMAS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with