^

Probinsiya

Coed dedo sa car crash, 4 kritikal

-
GEN. TRIAS, Cavite – Agad namatay ang isang estudyanteng babae habang ang apat nitong kasamahan ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang kanilang kotseng sinasakyan ay bumangga sa puno ng narra sa kahabaan ng Brgy. Buenavista kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay nakilalang si Ivy Rose Porciocula, dalaga, residente ng Brgy. Pasong Kawayan habang ang apat nitong kasama na sina Anne Christine Alvarez, Catherine Borfe, Erwin Magat at Richard Herpacio pawang mga college student ng PCU ay kritikal sa pagamutan.

Sa report ni SPO1 Victorino Patam, dakong ala-1 ng madaling araw ay papauwi na ang mga biktima mula sa dinaluhang pagtitipon sakay ng Toyota Corolla (ESB-800)na minamaneho ni Alvarez at binabagtas ang nasabing lugar nang mawalan umano ng kontrol sa manibela si Alvarez.

Dahil sa mabilis umano ang takbo ng sasakyan ay hindi na nagawa pang i-preno ni Alvarez na naging dahilan sa malakas na pagkasalpok nito sa puno ng narra na agad na ikinasawi ni Porciocula. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALVAREZ

ANNE CHRISTINE ALVAREZ

BRGY

CATHERINE BORFE

CRISTINA GO-TIMBANG

ERWIN MAGAT

IVY ROSE PORCIOCULA

PASONG KAWAYAN

RICHARD HERPACIO

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with