^

Probinsiya

Mag-utol timbog sa droga

-
Nalambat ng mga awtoridad ang itinuturing na big time drug pusher kasama ang kapatid nito na nagtangkang manuhol sa hepe ng pulisya sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina George Serrano, 39, alyas Totie Kapalaran na matagal ng nakatala sa watch list ng pulisya sa kasong pagbebenta ng illegal na droga at ate nitong si Aileen Serrano, pawang residente ng Kapalaran Subdivision ng nabanggit na bayan.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Arthur Masungsong ng Rizal Police Special Operations Group (SOG), si George ay nasakote sa kanilang bahay.

Nabatid kay SPO2 Albert Ayuson, ang suspek na si George ay nasakote matapos nitong bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na addict.

Nasamsam mula kay George ang 25 gramo ng shabu, .45 kaliber baril at motorsiklo na ginagamit sa pagbebenta ng droga.

Samantala, si Aileen ay inaresto sa loob mismo ng tanggapan ng SOG matapos na suhulan ng P20,000 si Masungsong kapalit ng kalayaan ng kanyang kapatid. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AILEEN

AILEEN SERRANO

ALBERT AYUSON

ARTHUR MASUNGSONG

GEORGE SERRANO

JOY CANTOS

KAPALARAN SUBDIVISION

RIZAL POLICE SPECIAL OPERATIONS GROUP

SR. INSP

TOTIE KAPALARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with