^

Probinsiya

Mag-ina nadakip sa shabu

-
MALOLOS, Bulacan – Dinakip ng mga ahente ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-inang nagtutulak umano ng droga sa kanilang lugar matapos na magsagawa ng biglaang pagsalakay sa bahay ng mga suspek sa Saint Michael Subdivision sa Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-inang suspek na tulak na sina Cristita Sibug at Marlon Sibug, 23, na nakumpiskahan ng aabot sa 100 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Ang pagkakadakip sa mag-inang ‘tulak’ ay bunsod nang ipinalabas na search warrant ni Judge Teresita Baldos ng Malolos RTC branch 17.

Ayon sa ulat ni P/Chief Insp. Eliseo Saquilayan, hepe ng pulisya sa bayang ito, isinailalim ang mag-ina sa isang linggong pagtitiktik at ng maging positibo na nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar ay nagsagawa ng pagsalakay.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng mag-ina at hindi na nakuha pang makapalag. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BULACAN

BULACAN CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CHIEF INSP

CRISTITA SIBUG

EFREN ALCANTARA

ELISEO SAQUILAYAN

JUDGE TERESITA BALDOS

MARLON SIBUG

SAINT MICHAEL SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with