^

Probinsiya

Grade 5 pupil minartilyo ng utol, todas

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Isang grade 5 pupil na batang babae ang walang-awang pinalo ng martilyo at sinaksak hanggang sa mapatay ng kanyang sariling kapatid na lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Minabuyok ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa katawan at palo ng martilyo sa ulo ay kinilalang si Crystal Reyes, 12-anyos.

Samantala, ang suspek na ngayon ay pinaghahanap ng mga tauhan ni P/Supt. Jess Manubay ay nakilalang si Manolito Reyes, 27, binata, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-11:50 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng magkapatid.

Dumating ang suspek na lango sa droga mula sa inuman ng mga barkada at nadatnan ang biktima na nag-iisang natutulog.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawang patayin ng suspek ang kanyang sariling kapatid.

May teorya ang pulisya na napagtripan ng suspek ang kapatid na inakalang kalaban. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

vuukle comment

BARANGAY MINABUYOK

CHRISTIAN RYAN STA

CRYSTAL REYES

DUMATING

ISANG

JESS MANUBAY

LUMALABAS

MANOLITO REYES

NUEVA ECIJA

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with