^

Probinsiya

Mag-asawa minasaker

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan ang mag-asawa habang natutulog sa sariling bahay ang mga biktima kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talomo, Davao del Norte.

Nakilala ang mag-asawang minasaker na sina Benito Perez, 50, at asawa nitong si Ofelia Perez, 42, ng Purok Kawayan, Brgy. Talomo, Sto. Tomas ng nasabing lalawigan.

Wala namang nagawa ang tatlong batang mga anak ng mag-asawa kundi ang mag-iyakan dahil hindi naman sila sinaktan ng mga armadong kalalakihan na nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas 10:30 ng gabi habang ang mga biktima ay kasalukuyang natutulog katabi ang kanilang tatlong anak.

Nabatid na ang mag-asawa ay may tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib na kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

Sinisilip din ng pulisya ang anggulong alitan sa lupain ang naging motibo ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BENITO PEREZ

BRGY

CAMP CRAME

DAVAO

JOY CANTOS

NABATID

OFELIA PEREZ

PUROK KAWAYAN

TALOMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with