^

Probinsiya

P3M puslit na asukal, nasabat

-
ZAMBOANGA CITY – Tinatayang aabot sa 2, 500 sako ng asukal mula sa Malaysia na nagkakahalaga ng P3 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy makaraang tangkaing ipuslit papasok ng bansa noong Biyernes ang hapon sakay ng isang motor boat sa karagatan ng Sulu.

Ayon sa ulat mula sa Naval Forces South (NAVFORSOUTH), dakong alas 3:05 ng hapon ng mamataan ng mga tauhan ng Phil. Navy ang isang bangkang-de-motor na may tatak na M/L Katrina II na nakatigil sa naturang karagatan dahil sa nasiraan ito.

Nilapitan umano ng patrol gunboat 393 ang nabanggit na motor boat na may pitong pahinante at nadiskubreng may lulan na mga sako ng asukal mula sa nasabing bansa.

May teorya ang mga tauhan ng Phil. Navy na naghihintay lamang ng kasabwat na mangingisdang may bangka ang kinalululanan ng puslit na asukal upang ihatid sa kalapit na isla upang pansamantalang doon itago bago ipagbili.

Sa kasalukayan ang nasabing motor boat ay hinila sa Majini Pier sa naturang lalawigan upang imbestigahan ng Bureau of Custom. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

AYON

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOM

L KATRINA

MAJINI PIER

NAVAL FORCES SOUTH

NILAPITAN

PHILIPPINE NAVY

ROEL PARE

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with