^

Police Metro

Alice Guo, ililipat na sa Correctional

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na natanggap na ng warden ng Pasig City Jail ang commitment order para sa paglilipat ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, sinisimulan na ng ahensya ang paghahanda para sa medical at laboratory examination ni Guo, isang karaniwang rekisito bago mailipat ang sinumang detainee sa ibang pasilidad.

Kapag nakakuha na siya ng medical clearance, inaasahang maisasagawa ang paglilipat sa loob ng linggong ito.

Matatandaang ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ang mosyon ng kampo ni Guo na manatili sa Pasig City Jail Female Dormitory, sa halip na maipadala sa CIW sa Mandaluyong.

Si Guo ay nahatulan ng kasong qualified human trafficking, isang non-bailable offense na may kulong na habambuhay.

ALICE GUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with