^

Police Metro

40.7 temperatura, posibleng papalo hanggang Mayo - PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
40.7 temperatura, posibleng papalo hanggang Mayo - PAGASA
Commuters endure the heat as they wait for rides along United Nations Avenue in Manila on April 17, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tinataya ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura o ang forecast maximum daytime temperature sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng susunod na buwan ng Mayo dahil sa patuloy na epekto ng El Niño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season.

Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monito­ring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang Isabela ng 40 temperatura nitong nagdaang April 15 at patuloy pa ang pagtindi ng init ng panahon kaya’t inaasahan na ang pagtaas pa dito ng temperatura.

Binigyang diin ni Solis na mas matindi ang init na nararamdaman sa mga urban areas o ang Urban Heat Island Effect dahil matindi ang init ng solar heat emission na tumatama sa mga semento tulad ng mga bato,  gusali, kalsada na gawa sa semento kaya’t napakainit nang pakiramdam sa urban areas laluna kung lalabas ng etablisimiyento o tahanan.

Binigyang diin ni Solis na tataas pa sa 36.9 maximum daytime temperature na naitala sa Pasay ang asahan sa mga susunod na araw hanggang sa Mayo sa Metro Manila kaya’t dapat ingatan ang kalusugan mula sa tindi ng init ng panahon.

Umaasa naman ang Pagasa na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay maglaho na ang panahon ng El Niño pheno­menon at makakaranas na ng katamtaman at normal na panahon ang bansa lalo na ang Metro Manila.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with