^

Police Metro

MMDA kasado na sa tigil-pasada, ‘Magnificent 7’ ‘di sasali

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pang-masa
MMDA kasado na sa tigil-pasada, �Magnificent 7� �di sasali
Ang mga modern at traditional jeepneys habang patuloy ang pamamasada sa Escoda St., Manila, dalawang araw bago ang transport strike ng Manibela at Piston na itinak- da bukas, Abril 15 at Martes. Layunin ng strike na iapela na mapalawig ang deadline ng PUV consolidation program ng pamahalaan.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasado na ang kanilang contingency measures para sa isasagawang ti­gil-pasada ng dalawang transport group bukas, Abril 15.

Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, tutugunan ng MMDA ang transport strike na gagawin ng mga grupong Manibela at Piston sa pamamagitan ng mga itatalagang mga sasak­yan kung saan higit na maapektuhan.

“Contingency mea­sures are in place and we will monitor particular areas where the two transport groups reportedly have members. Libreng sakay vehicles will likewise be on standby and are ready to be dispatched to accommodate those who will be affected,” ani Artes sa pulong-balitaan noong Biyernes.

Ito’y kahit nakasabay pa umano nito ang pagsisimula ng pagpapatupad ng MMDA ng regula­syon  sa pagbabawal sa e-bike, e-trike, light electric vehicle, tricycles, pedicab, kariton, at  kuliglig.

Inihayag naman ni Obet Martin ng grupong Pasangmasda na ang ibang transport group na bumubuo sa “Magnificent 7” ay hindi sasama sa nasabing tigil-pasada.

Ang Magnificent 7 ay binubuo ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Dri­vers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organizations, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phi­lippines, Stop and Go Transport Coalition, at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas.

Ayon din kay ALTODAP president Boy Vargas, hindi sila sasama sa strike at kanya ring sinabihan ang Manibela at Piston na hindi na uso ngayon ang transport strike at mag-consolidate na lamang.

Nanawagan din si Vargas sa pamahaalan na kung maaari ay ito na lamang ang magpautang sa mga driver-operator para makabili ng modernized jeep na utay-utay na babayaran pero mayroon naman aniya silang 27 buwan makaraan ang consolidation bago ang pagkuha ng modernized jeepney.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with