^

Police Metro

Guro, lover na hubo’t hubad sa silid-aralan, huli ng mister

Jun Elias - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babaeng public school teacher at kanyang lover ay nahuling hubo’t hubad at umano’y posibleng nagtatalik sa loob ng silid aralan ng Gallano Elementary School, Aringay, La Union, kamakalawa ng gabi.

Batay sa police report na ang guro ay kinilalang si Jonnalyn Dolatre, 41, at ang kanyang kalaguyo ay kinilalang si Chester Gabin, 40, ay nahuli sa akto ng mister ni Jonnalyn na si Donald Dolatre, 45, at anak nito sa loob ng Grade 4 classroom, pasado alas-9:30 ng gabi.

Napag-alaman na bago ang insidente na si Donald at anak nitong lalaki ay pupunta sa paaralan para bisitahin si Jonalyn at ganun na lamang ang kanilang pagkabigla sa pagbukas nila ng pinto ay nakita ang mag-lover na kapwa hubo’t hubad na nagkapatong sa plastic bench.

Agad na nagbihis ang mag-lover kaya naman ay humingi ng tulong si Donald kay Reque Santiago, chairman of Barangay Gallano na siya namang tumawag ng pulis.

Ayon kay Donald na ang kanyang kamag-anak at mga kaibigan ay nagsabi sa kanya na ang misis nito ay sekretong nakikipagtagpo kay Chester.

Inamin din ni Donald na matagal na silang hiwalay ni Jonnalyn, subalit kakasuhan niya pa rin ang dalawang mag-lover.

vuukle comment

LOVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with