^

Police Metro

Bumibisitang sex offenders sa Pinas, tumataas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kamakalawa ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtaas ng bilang ng mga rehistradong sex offenders (RSOs) na pumapasok sa Pilipinas na isang “cause for concern”.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na naharang nila ang ilang mga sex offenders sa tangkang pagpasok nito ng Pilipinas kung saan kabilang nga rito ang 55-anyos na si Francisco Tecson na lumapag sa Ninoy Aquino International Air­port (NAIA) Terminal 1 mula Taiwan noong Miyer­kules ng hapon.

Ayon sa ahensiya na si Tecson ay nahatulan sa Texas noong 2010 dahil sa pagkakaroon ng indecent contact sa isang walong taong gulang na bata.

Pinigilan din ng BI noong Miyerkules ang pagpasok sa bansa ng 65-anyos na si Dale Lloyd Bayless na nahatulan noong 1990 ng sodomy laban sa isang siyam na taong gulang na batang babae sa Missouri noong 1989.

Sinabi ng BI na ang dalawang lalaki ay kabilang sa mahigit 150 dayuhang RSO na tinanggihang pumasok sa mga paliparan ng Pilipinas mula noong Enero.

Karamihan sa mga RSO ay naharang sa NAIA habang ang iba ay hinarang sa mga paliparan sa Mactan, Cebu at Clark, Pampanga.

vuukle comment

SEX OFFENDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with