^

Police Metro

Nanalong tserman, misis niratrat sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang barangay chairman na nagwagi sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) at misis nito matapos tambangan ng ‘di kilalang salarain habang sakay ng barangay patrol vehicle sa Brgy. Luzviminda 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mga biktima na nakilalang sina Benjamin Macalalad Marcha, 52-anyos, incumbent chairman ng Brgy. Luzviminda 1, Dasmariñas City at ang misis nitong si alyas “Loida”.

Sa ulat nina Police Master Sergeant Benjamin De Leon Jr. at P/Sgt. Christopher Postrero ng Dasmarinas City Police, alas-5:30 ng madaling araw habang sakay ang mag-asawang Marcha ng barangay patrol car at bumabagtas sa Brgy. Luzviminda nang bigla silang paulanan ng bala ng isang nakaabang na ‘di nakilalang suspek.

Nang makita ng salarin na natamaan nito ang mga biktima at inakalang mga napuruhan ng mga bala, agad siyang tumakas tangay ang ginamit na armas sa pamamaril.

Agad namang naitakbo sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga biktima ng mga sumaklolo sa kanila.

Sa kasalukuyan, wala pa ring malinaw na motibo sa insidente habang inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang pamamaril sa nagdaang eleksyon kung saan na­nalo muli ang biktima.

vuukle comment

BSKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with