^

Police Metro

2 tiklo sa P1 milyong shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang suspek kabilang ang 17-anyos na lalaki ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu kamakala­wa ng gabi sa Makati City.

Sa ulat,alas-9:30 ng gabi nang madakip sa operasyon sa may 1st Avenue, East Rembo, Makati, ang suspek na itinago sa alyas na “Dada”, babae, 26-taong gulang, at ang 17-anyos na si alyas “Basher”. Nagawang makatakas ng ikatlong suspek na itinago sa alyas “Philip”, 24-taong gulang.

Isang poseur buyer ang ginamit ng mga pulis sa operasyon na nagkunwa­ring bibili ng shabu at dinakma ang mga suspek makaraang maisagawa ang bentahan.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang knot-tied plastic bag at isang maliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng 153 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,040,000.00.

Nakumpiska rin ang isang plastic sachet ng hinihinalang marijuana, 159 piraso ng boodle money at isang P1,000 genuine bill na ginamit na marked money.

vuukle comment

EAST REMBO

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with