^

Police Metro

Kampanya vs overloaded trucks, pinaigting

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapuksa ang paglaganap ng mga overloaded trucks sa lansangan na dahilan din ng mga aksidente, mas pinalakas ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang kampanya kabilang ang paghuli sa mga lumalabag katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, nagpapatupad na rin ang LTO ng pinaigting na inspeksiyon at monitoring upang maiwasan ang paglipana ng mga overloaded trucks.

Binalaan ni Mendoza ang mga truck operators na hindi sumusunod sa batas at patakaran hinggil dito na may parusang kakaharapin oras na mapatunayang overloaded ang kanilang trak.

Sinabi ni Mendoza na maging ang problema sa mga overloaded trucks ay naireklamo sa kanya ni Senator Joel Villanueva na dumaraan sa mga lansangan ng  Bulacan at  Pampanga.

Ang mga overloaded trucks ay may malaking panganib sa mga road users dahil mas prone ito sa mechanical problems tulad ng pagkawala ng preno ng sasakyan at posibleng mawalan ng kontrol dito ang driver ng truck.

Ang PNP naman ay magbibigay sa mga regional directors nito upang iulat at ireklamo ang mga mamomonitor na overloading trucks.

vuukle comment

HPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with