^

Police Metro

5-anyos hinataw sa ulo ng stepdad, dedo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 5-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos hatawin ng bote sa ulo at suntukin sa mukha ng kanyang stepfather sa San Pedro, Laguna.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang biktima matapos isugod sa ospital ng mismong suspek na si Nerio Bartolome, 33.

Lumilitaw na naiwan sa suspek ang biktima at mga kapatid nito nang umalis ang kanilang inang si Claire Donasco upang maghanap ng pera pambili ng gamot para sa biktima na noo’y may iniindang sakit.

Ayon kay Donasco, bagama’t may iniindang sakit ang anak, malakas pa ito nang kanyang iwan sa suspek bagama’t inamin nito na may dinaramdam itong pinsala sa leeg dahil sa pagkahulog sa hagdan.

Ngunit nabunyag ang ginawang pambubugbog ng suspek matapos aminin ng dalawang nakatatandang kapatid ng biktima ang ginawa ng huli matapos na hindi ito pumayag na hilutin ang bahagi ng katawan na napilayan dahil sa pagkahulog.

Dagdag pa ng mga kapatid ng biktima, binuhat pa ng suspek ang kanilang kapatid at pinalo ng bote ng softdrinks sa ulo.

Nang bumagsak ang biktima, dinala ito ng suspek sa ospital at mabilis na tumakas.

Lumabas sa death certificate na namuong dugo sa ulo ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sinabi pa ng mga bata na maging sila ay nakakaranas din ng bugbog ng kanilang ama-amahan sa tuwing wala ang kanilang ina.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek at hinihintay ang warrant of arrest para sa pag-aresto dito.

vuukle comment

LAGUNA

SAN PEDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with