^

Police Metro

Restobar sa Davao City, sumabog:1 todas, 3 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang restobar ang su­mabog na ikinasawi ng isang katao at pagkasugat ng tatlong iba pa naganap ka­ma­ka­la­wa ng gabi sa Calinan, Davao City.

Hindi na umabot ng bu­hay sa ospital ang bikti­mang si Romnick Creer Nor­tarte, 31.

Habang ginagamot ang mga nasugatang sina Emilita Rotarte Alegarme; Loribeth Toting Ñocyeo; at Rey Ca­re­sosa Agliones.

Sa ulat ng Davao City Police Office (DCPO), bago naganap ang pagsa­bog, alas-10:49 ng gabi nang  mapan­sin ni Alegarme ang isang cellophane bag na nasa labas ng establisimyento at nang tignan ay bigla na lang itong sumabog kung saan nada­may ang iba pang mga biktima.

Hindi pa madetermina ng Davao City Forensic Unit (DCFU) ang gina­mit na pampasabog at patuloy ang follow-up investigation para matukoy ang posibleng suspect at tinututukan ang gulong love triangle sa motibo ng pagpapasabog.

vuukle comment

SUMABOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with