^

Police Metro

Ex-chief of police ng Laguna utas sa sariling baril

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang dating hepe ng pulisya ng San Pedro City, Laguna matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa loob ng kanyang condominium sa Biñan City, kahapon.

Ang bangkay ng biktimang si P/Lt. Col. Victor Ben Isidore Aclan ay nadiskubre ni P/Corporal Japer Aaron Mercado, personal security staff ng una sa loob ng cluster 1-3F1 unit at Hollard Park Condominium Corp., Barangay San Francisco, alas-8:30 ng umaga.

Sa salaysay ni Mercado sa pulisya na nakarinig siya ng putok ng baril mula sa kuwartong tinitirhan ng biktima.

Agad niyang pinuntahan ang lugar at nakita niya ang duguang bangkay ng biktima.

Nabatid na inalis si Aclan sa puwesto bilang San Pedro City police chief ni Lt. Col. Rolly Liegen, noong nakaraang taon at inilagay bilang hepe ng Provincial Strategic Ma­nagement Unit sa Laguna Provincial Police Office, Sta. Cruz City, Laguna.

Dalawang bersyon ang iniimbestigahan ng pulisya na ang biktima ay posibleng nagpakamatay dahil sa umano’y personal na problema na may kalaguyong babaeng politician at accidental firing. - Doris-Franche Borja

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with