^

Police Metro

Bawas-presyo uli sa petrolyo, asahan sa Martes

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga moto­rista dahil sa susunod na linggo, inaasahan ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) nitong Biyernes.

Sinabi ni DOE-OIMB Director III Rodela Romero, ipatutupad ang bawas presyo na tinatayang P2.00-P2.25 kada litro sa gasolina; P0.50 hanggang P0.85 kada litro sa diesel; at P0.90-P1.00 sa kerosene.

Ito ang ikatlong rollback sa magkakasunod na linggo sa gasolina at pang-apat para sa diesel at kerosene.

Ang pagbaba ng presyo ng langis sa kalakalan sa Asya, at batay sa datos ng oil industry ang patuloy na pagtaas ng imbentaryo ng Estados Unidos, ang nag-ambag sa rollback.

Ang iba pang mga kadahilanan ay ang lakas ng dolyar na nagpababa sa mga inaasahan ng mas mababang mga rate ng interes, at ang ulat mula sa mga opisyal ng Hamas na tumanggap ng isang bagong panukalang tigil-putukan para sa Gaza, ayon kay Romero.

vuukle comment

DOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with