^

Police Metro

Pinoy crew pinalaya

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pang-masa

Sa barkong hinarang sa Iran

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na asahang makakauwi na sa Pilipinas ang isang tripulanteng Pinoy matapos na palayain kasama ang anim pang crew ng container ship na MSC Aries na hinarang ng Iranian authorities, kamakailan.

Nabatid na nitong Biyernes ay pinalaya ang limang Indian nationals, isang Pinoy at isang Estonian mula sa MSC Aries.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at ang mga tauhan nito na hindi tumitigil na magawan ng paraan upang mapalaya maging ang tatlo pang Pinoy na nananatili sa nasabing barko, sa kustodiya pa ng Iranian gov’t.

 “The DMW will continue working with the DFA, the ship agent, and licensed manning agency to secure the release of the three Filipino crewmen who remain in the custody of Iranian authorities,” ani Cacdac.

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with