^

Police Metro

Sekyu arestado sa pagnanakaw sa apartelle, pananakit sa 16-anyos

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang security guard nang maaresto ng mga pulis makaraang pasukin at pagnakawan umano nito ang isang apartelle at habang tumatakas ay nasaktan din nito ang 16-anyos na babae sa Que­zon City, kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodya na ng Police Station 4 ang  suspek na si Lynard, 39 anyos.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-9:40 ng gabi nitong Huwebes nang pasukin umano ni Singco ang Gulod Apartelle sa Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches sabay tutok ng kutsilyo sa kahera at kinuha ang cellphone nito.

Sa kanyang pagtakas, nabangga ni Singco ang isang dalagita na bumagsak sa kalsada sanhi ng pagkasugat nito.

Dahil naman sa komos­yon, agad na rumesponde ang mga nagpapatrolyang pulis kaya nadakip ang suspek at narekober sa kanya ang cellphone ng kahera na nagkakahalaga ng P7,000 at isang kutsilyo.

vuukle comment

PAGNANAKAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with