^

Police Metro

Bitak-bitak na Lagusnilad underpass sa Maynila aayusin

Danilo Garcia - Pang-masa
Bitak-bitak na Lagusnilad underpass sa Maynila aayusin
Motorists experience heavy traffic along Lagusnilad Underpass in Manila on June 28, 2022.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Lagusnilad vehicular underpass na matagal nang nakati­wangwang na inumpisahan noon pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit sa hindi malamang dahilan ay nabinbin ang pagsasaayos.

Ayon kay Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW) City Engineer Armand Andres, sasagutin na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang rehabilitasyon ng Lagusnilad na nasa ilalim ng pamamahala ng pambansang pamahalaan dahil na rin sa napakaraming reklamong natatanggap ng opisina ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan mula sa mga motorista na dumaraan dito.

Bukod sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Lagusnilad, madalas ding magkaroon ng disgrasya sa lugar, lalu na ang mga nagmo-motorsiklo, bunga ng pagiging madulas at hindi pantay ang lansangan makaraang kayurin ang lansangan, subalit hindi na nalagyan ng aspalto.

Ayon kay Engr. Andres, mapapasimulan nila ang proyekto sa mga susunod na isa hanggang dalawang linggo dahil kinakailangan pa nilang pag-aralan ang mga lugar na na gagamitin sa isasagawang traffic re-routing. Kailangan din aniya nilang maglagay ng mga karatula o signages na magiging gabay ng mga motorista upang malaman nila na isasara sa daloy ng trapiko ang Lagusnilad at kung saan dapat dumaan.

Umaasa si Engr. Andres na matatapos nila ang proyektong pagsasailalim sa rehabilitasyon ng Lagusnilad bago pa dumating ang panahon ng tag-ulan.

vuukle comment

DPWH

LAGUSNILAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with