^

Police Metro

Heightened alert ikakasa ng PNP sa transport strike

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine­ National Police (PNP) na ilalagay nila  ngayong­ Linggo ang kanilang mga unit sa heightened alert status bunsod ng isang linggong transport­ holiday na inorganisa ng ilang grupo ng transportasyon.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Red Maranan na 80% ng puwersa ng pulisya ang naka-duty para magbigay ng tulong at seguridad sa commuters­ na maaapektuhan ng trans­port strike.

“Itataas natin ang ating alert status. Magpapakalat tayo ng mga pulis doon sa mga lugar kung saan sumasakay ang ating mga kababayan para makapagbigay tayo ng kaukulang seguridad sa ating mga ka­babayan,” aniya pa.

Sinabi ni Maranan na ilalaan ng PNP ang mga available na mobile patrol vehicles nito para makapagbigay ng libreng sakay sa mga commuter papunta sa kanilang des­tinasyon.

Babantayan at imomonitor ng PNP ang mga lalahok sa transport strike upang  matiyak na hindi mangha-harass ang mga ito ng mga PUVs na pa­tuloy sa pagbiyahe.

Pinayuhan din niya ang publiko na maging maingat at iwasang lumabas kung wala silang mahahalagang plano.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with