^

Police Metro

Bawas-presyo ng produktong petrolyo gugulong ngayon  

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bawas-presyo ng produktong petrolyo gugulong ngayon         
Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Phi­lippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum ay magpapatupad sila ng oil price rollback na P0.45 sa kada litro ng gasolina, P1.45 sa kada litro ng diesel at P1.70 sa kada litro naman ng kerosene, epektibo alas-6 ng umaga.
File

MANILA, Philippines — Isang magandang ba­lita para sa mga motorista lalo na sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan dahil muling magpapatupad ng bawas- presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa, epektibo ngayong araw.

Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Phi­lippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum ay magpapatupad sila ng oil price rollback na P0.45 sa kada litro ng gasolina, P1.45 sa kada litro ng diesel at P1.70 sa kada litro naman ng kerosene, epektibo alas-6 ng umaga.

May bawas-presyo rin sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI), epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na malakihang bawas-pres­yo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Panalangin ng motorista lalo na ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na sana ay magtuluy-tuloy na umano ang pagbaba ng pres­yo ng mga produktong petrolyo.

vuukle comment

PETROLYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with