^

Police Metro

Pagdedeklara ng state of emergency pinag-aaralan ng Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa
Pagdedeklara ng state of emergency pinag-aaralan ng Malacañang
Ito ang sinabi ni Senador Bong Go, at maliban dito, pinag-aaralan na rin ng palasyo ang panawagan sa pangulo na magpatawag ng special session ng Kongreso para sa bukod na panawagan sa suspensyon ng excise tax sa petrolyo.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay pinag-aaralan ng Malacañang ang panawagan na magdeklara ng state of emergency.

Ito ang sinabi ni Senador Bong Go, at maliban dito, pinag-aaralan na rin ng palasyo ang panawagan sa pangulo na magpatawag ng special session ng Kongreso para sa bukod na panawagan sa suspensyon ng excise tax sa petrolyo.

Paliwanag ni Go, na kilalang malapit sa pangulo hindi niya masiguro kung papaboran ng pangulo ang deklarasyon ng economic emergency, subalit noong kausap ng presidente ang ilan sa kanyang gabinete ay pinaaral niya ang mga nabanggit na isyu.

Sinabi naman senador na isa siya sa paghahangad na masuspinde muna ang buwis sa petrolyo, subalit ang tanong ay kung papayag umano ang mga economic managers dahil may projection na sila sa buwis na kikitain ng ­gobyerno ngayong taon.

Susuportahan din umano niya kung mayroon panukala na dagdagan ang budget na pang ayuda sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, mga magsasaka at mangi­ngisda na tinatamaan ngayon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Nanawagan rin si Go sa mga kumpanya ng la­ngis na huwag magsamantala sa sitwasyon at huwag palobohin ang presyo ng petrolyo.

vuukle comment

STATE OF EMERGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with