^

Police Metro

Duterte pinigil ang taas presyo ng baboy at manok

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte pinigil ang taas presyo ng baboy at manok
Inihahanda na ng tinderong ito ang kanyang tindang baboy sa isang stall sa Commonwealth Market, Quezon City na kung saan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO No. 124 na nag-uutos ng 60 araw na tigil sa taas presyo.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo ang Executive Order 124 na itinakda ang presyo ng kasim/pigue ng baboy sa P270 kada kilo,samantalang ang liempo naman ay P300 kada kilo habang ang presyo naman ng dressed chicken ay hindi dapat lumampas sa P160 kada kilo sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila.

Nakasaad sa EO na ipinalabas ang kautusan upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin kung saan inirekomenda ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng price ceiling sa ilang pork at chicken products.

Ayon pa sa kautusan, ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing pa­ngangailangan sa National Capital Region (NCR) katulad ng baboy at manok ay lubhang tumaas na naging pahirap sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

Nabawasan din ang karne ng baboy sa bansa dahil sa outbreak ng African Swine Fever na nakaapekto sa suplay at naging dahilan sa pagtaas ng presyo nito.

Binanggit din sa EO na may kapangyarihan ang Pangulo na magpatupad ng price ceiling na nakapaloob sa Section 7 ng  Republic Act 7581 o Price Act base sa rekomendasyon ng implementing agency o Price Coordinating Council kung may emergency o calamity sa bansa.

Matatandaan na sa Proclamation No. 1022 pinalawig ang State of Calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19 mula Setyembre 13,2020 hanggang Setyembre 12, 2021.

vuukle comment

MEAT PRODUCTS

PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with