^

Police Metro

AWOL nakaamba sa mga pulis na 15/30

Doris Franche - Pang-masa
AWOL nakaamba sa mga pulis na 15/30
Kaya naman para ma­laman niya ang mga ito ay obligahin ang lahat ng district directors at station commanders na isumite sa kanya ang 100% attendance ng mga pulis.
STAR/File

100% attendance hiningi sa mga hepe...

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Brig. Gen. Vicente Danao, Jr., ang si­numang pulis na mapapatunayang mga 15/30 o yun mga pumapasok lang sa opisina para kumuha ng sahod.

Kaya naman para ma­laman niya ang mga ito ay obligahin ang lahat ng  district directors at station commanders na isumite sa kanya ang 100% attendance ng  mga  pulis.

Hindi umano mangi­ngiming kasuhan ni Da­nao ang mga district directors at mga station comman­ders na mabibigong ibigay ang attendance ng mga pulis.

Aniya, magsasagawa siya ng  surprise visit sa lahat ng  police station at kung hindi maibibigay ang  listahan ng personnel, agad niyang  idedeklarang AWOL ang mga ito.

“Wag niyo akong bi­nobola dito, mas matagal akong naging hepe sa inyo, magtrabaho tayo ng tapat na may tapang at malasakit, totoong trabaho lang!,” pagwawakas ni  Danao.

vuukle comment

ATTENDANCE

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with