^

Police Metro

Misis ni Jaybee Sebastian reresbak!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Misis ni Jaybee Sebastian reresbak!
Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag na takot ang mga tauhan ng Bucor dahil sa nasabing pagbabanta kaya naghigpit sila ng seguridad kasunod ng ginawang pagsugod doon ng biyuda ni Sebastian, batay na rin sa ipinakitang footage.
STAR/Boy Santos, file

Seguridad sa NBP hinigpitan

MANILA, Philippines — Lalong hinigpitian ang seguridad sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos ang bantang “resbak” ng misis ng nasawing convicted  inmate na si Jaybee Sebastian dahil sa COVID-19.

Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag na takot ang mga tauhan ng Bucor dahil sa nasabing pagbabanta kaya naghigpit sila ng seguridad kasunod ng ginawang pagsugod doon ng biyuda ni Sebastian, batay na rin sa ipinakitang footage.

Ayon kay Chaclag, kinompronta ng babae ang ilang personnel at nagbanta na ipapapatay at uubusin sila.

Wala pang sagot si Gng. Sebastian sa pahayag na ito ng Bucor kung may katotohanan.

Nabatid na nagdagdag na ng mga bantay na pulis at ipinadlock na ang mga selda.

Posible ring samantalahin umano ng ilang grupo ang pagkakataong ito na sumawsaw at palabuin pa ang usapin, bukod pa sa kakayahan na isakatuparan ang banta.

Samantala, nag-aalala rin ang ilang kaanak ng NBP inmates para sa kanilang mahal sa buhay dahil sa isyu at nangyari kay Sebastian. Ilan sa kanila ang nagsabi na maayos si Sebastian kaya hindi makapaniwala na namatay siya sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

JAYBEE SEBASTIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with