^

Police Metro

Tatay patay sa taga ng anak

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 65-anyos na ama nang siya ay tagain sa ulo ng sariling anak na nagalit sa pagsaway sa pag-aaway nilang magkapatid kamakalawa sa Brgy. Sawmill, Milagros, Masbate.

Ang nasawi ay kinilalang si Temestocles Pones Sr., magsasaka, ng nasabing barangay habang arestado ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek na si Temestocles Pones Jr., 34, binata.

Sa ulat, alas-4 ng hapon ay nakita ng tatay ang suspek na armado ng itak habang kaaway ang kapatid nitong babae kaya’t bago pa mataga ay pumagitna na ang una at sinaway ang suspek.

Gayunman, ikinagalit ng suspek ang pagsaway ng kanyang tatay kaya dito niya ibinunton ang galit sa kapatid at tinaga niya sa ulo ang ama na agad nasawi.

vuukle comment

KRIMEN

TAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with