^

Police Metro

Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Angie dela Cruz - Pang-masa
Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Ayon sa Phivolcs ang lindol ay naitala sa layong 384 kilometers southeast ng Sarangani alas-11:13 ng umaga ng Miyerkules, March 18.
STAR/File

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs ang lindol ay naitala sa layong 384 kilometers southeast ng Sarangani alas-11:13 ng umaga ng Miyerkules, March 18.

May lalim na 117 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Intensity I sa Alabel, Sarangani.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala pero maaring makaranas ng aftershocks.

Samantala, alas-11:27 ng umaga ay nakapagtala pa ng magtnitude 4.1 na lindol sa bayan din ng Sarangani.

Wala namang ulat ng damage sa mga tao at mga ari arian ang naturang mga pagyanig.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with