2 massage attendant inaresto sa extra service
MANILA, Philippines — Sinalakay ng pulisya ang isang Health SPA na nagbibigay umano ng ‘extra service’ sa mga parukyano na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang babaeng masahista na naaktuhan sa mahalay na sitwasyon sa Makati City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Makati Police, chief, P/Colonel Rogelio Simon, dakong alas 12:30 ng hatinggabi nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Women and Children Protection Desk (WCPD) at Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ang Roadstar SPA sa Eurocrest Building sa no. 126 Jupiter St. Barangay Bel-Air, Makati City.
Nakatakdang sampahan ng reklamo sa piskalya ang mga suspek na sina Christine Paguia, 39 anyos, massage attendant/maintainer; at Mae Ann Vista, 22, massage attendant.
Limang babaeng masahista naman ang sinagip sa nasabing operasyon na kinilalang sina Jennyfer Arpon, 27; Mary Joy Padillo, 28, Raziel Garganta, 32; Rina Karla Lacson, 36; at Marybeth Ramos, 41.
- Latest