^

Police Metro

Publiko binalaan vs iligal na paputok

Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa
Publiko binalaan vs iligal na paputok
Nagsagawa ng pag-iinspeksyon kahapon si Phi­lippine National Police Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa kasama ang iba pang opisyal ng Bulacan Police sa mga tindahan ng paputok sa bayan ng Bocaue kung saan ilan sa mga ito ay nakum­piskahan ng mga iligal na paputok.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tatlong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko sa paggamit ng iligal na paputok at pyrotechnic displays.

Ang babala ay inisyu ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa matapos nitong inspeksyunin ang mga pabrika, bodega, processing area at maging ang mga stall ng mga pagawaan ng paputok at pyrotechnic displays sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado.

“Let me remind the manufacturers and sellers to strictly follow not to sell firecracker and pyrotechnic display to minors or those below 18 years of age’, babala ni Gamboa.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Gamboa ang mga pulis na ipagpatuloy ang pag-iinspeksyon sa mga ma­nufacturing complex, warehouse, at processing area ng mga manufacturers at mga dealers sa mga lugar na kanilang nasasakupan upang maiwasan ang panganib.

Binigyang diin ni Gamboa na mahigpit na ipatutupad ng PNP ang Executive Order No. 28 ni President Rodrigo Duterte sa lahat ng mga manufacturers at maging ang mga nagbebenta ng iligal na paputok, pyrotechnic display at iba pa.

Samantalang sinumang lalabag dito ay mahaharap sa pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon habang ang piyansa ay aabot naman sa P20,000.00 hanggang P30,000.00, pagkakakansela ng business permit at kukumpiskahin din ang paninda ng mga ito.

vuukle comment

ILLEGAL FIRECRACKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with