^

Police Metro

Christmas party inararo: 2 patay,6 sugatan

Mer Layson - Pang-masa
Christmas party inararo: 2 patay,6 sugatan
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang aksidente, alas-9:30 ng gabi sa gilid ng kalsada ng Mauban St., kanto ng Tinagan St., Brgy. San Jose ay masayang nagpa-party at nagsasayawan ang mga biktima nang sumulpot ang humahagibis na AUV na minamaneho ng isang Edmund Sumundong, nasa hustong gulang.
File

MANILA, Philippines — Dead on arrival ang dalawang babae habang 6 ang nasugatan matapos na araruhin ng isang Asian Utility Vehicle (AUV) ang kanilang Christmas party sa gilid ng kalsada sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dala­wang nasawi na sina Elena Baga, 32; at Zenaida Zamora, 65, pawang residente ng Barangay San Jose, Quezon City.

Hindi na tinukoy ang pangalan ng anim na nasugatan na isinugod sa East Avenue, Medical Center.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang aksidente, alas-9:30 ng gabi sa gilid ng kalsada ng Mauban St., kanto ng Tinagan St., Brgy. San Jose ay masayang nagpa-party at nagsasayawan ang mga biktima nang sumulpot ang humahagibis na AUV na minamaneho ng isang Edmund Sumundong, nasa hustong gulang.

Hindi na umano na­gawang makapagpreno si Sumundong at inararo ang mga biktima at nabangga rin ang isang pampasaherong jeep na nakarapada sa lugar.

Lumalabas sa im­bes­tigasyon na nakai­nom si Sumundong at ang kanyang kasama na si Jesie Balambao kaya’t nawalan ito ng kontrol sa manibela at nasalpok ang mga biktima.

Ang dalawa ay kina­suhan ng reckless imprudence resulting in homicide with multiple injuries and damage to property at driving without license.

vuukle comment

ASIAN UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with