^

Police Metro

Misis inumpog ng mister, patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkalipas ng apat na araw na pagkaratay sa ospital ay tuluyan nang binawian ng buhay nitong Sabado ang isang ginang na inumpog ng mister nitong lasing noong Nob­yembre 26 sa Navotas City.

Ang suspek na inaresto ng mga pulis sa loob ng Navotas City Hospital habang binabantayan ang bangkay ng kaniyang misis ay kinilalang si Gerlad Amante, 33.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw noong Nobyembre 26 sa loob ng kanilang bahay.

Kainuman ni Amante ang kaibigan na si alyas “Kalbo” nang mag-away ang mag-asawa dahil sa ayaw paawat ng suspek na uminom sa kabila na wala na silang maipambili ng pagkain.
Sa gitna ng pagtatalo, iniumpog ng lalaki ang ulo ng misis sa kanilang papag dahilan para magtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktima. 

Ipinagkibit-balikat naman ng ginang ang pinsalang natamo hanggang sa makaramdam ng matinding pagkahilo at panghihina noong gabi ng Nob­yembre 27 dahilan para isugod niya ang sarili sa Navotas City Hospital.
Naratay sa pagamutan ang ginang hanggang sa tuluyang malagutan ng buhay dakong alas-11:15 kamakalawa ng tanghali sa loob ng pagamutan.

vuukle comment

GERLAD AMANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with