Ex-sexy star timbog sa droga
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang dating sexy star na si Deborah Sun (Jean Louise Porcuna Salvador), 60, walang asawa, residente ng Room 803-A New York Mansion, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City kahapon ng madaling araw.
Bukod kay Sun, nadakip din sina Gerald De Guzman alyas Gerry, 53; Angela Salvador alyas Ate, 45; at Gonzalo Gonzales alyas Zaldy, 49, pawang residente rin sa naturang lugar.
Sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa bahay ni Sun sa isang buy-bust operation. Nakumpiska mula sa mga suspek ang may isang gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800, drug paraphernalia at P1,000 marked money.
- Latest