^

Police Metro

Kawatan na drug pusher binigti, niratrat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang notoryus na drug pusher ang binigti muna sa tulay bago pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Talisay City, Cebu.

Nakatakip ang mukha at nakabigti sa Mananga Bridge nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Reynante Tangente Otero, 44 ng SRP Road, Isla Verde, Barangay San Isidro ng nabatid na lungsod.

May nakadikit na cardboard din sa katawan nito na may nakasulat sa katagang Cebuano “Huwag akong tularan, magnanakaw ako”.

Sa ulat, alas 6;15 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa natagpuang bangkay na nakabigti sa Mananga Bridge at tadtad ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga residente ay nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa nasabing lugar kahapon pasado alas-3:00 ng  madaling araw at ilang saglit pa ay isang sasakyan ang sumibad palayo sa may tulay.

Sa tala, si Otero ay kilalang drug pusher sa lungsod at nasa drug watchlist ng pulisya, bukod dito ay notoryus din umano itong holdaper at labas pasok na sa piitan.

vuukle comment

MANANGA BRIDGE

REYNANTE TANGENTE OTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with