^

Police Metro

Acting police chief patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa
Acting police chief patay sa ambush
Sa ulat na nakarating­ kay P/Lt. Col. Eleveo Mar­quez, hepe ng Cebu Provincial Investigation and Detective Management Branch, bago naganap ang ambush pasado alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng Barangay Poblacion ay lulan ang biktima ng kaniyang behikulo pauwi na sa kanilang bahay sa Brgy. Punta Engano sa Lapu-Lapu City, Cebu nang harangin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.
Joy Torrejos

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang acting chief of police nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Cordova, Cebu.

Ang nasawi ay kinila­lang si P/Master Sergeant Deogenes Carillo, acting deputy chief of police ng Cordova Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat na nakarating­ kay P/Lt. Col. Eleveo Mar­quez, hepe ng Cebu Provincial Investigation and Detective Management Branch, bago naganap ang ambush pasado alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng Barangay Poblacion ay lulan ang biktima ng kaniyang behikulo pauwi na sa kanilang bahay sa Brgy. Punta Engano sa Lapu-Lapu City, Cebu nang harangin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Dito ay bumunot ng baril ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima na noon ay nasawi.

Nang masigurong pa­tay na ang biktima ay ma­­bilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi pa malamang destinasyon.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ang lending business ng biktima sa pagpatay sa kanya at dagdag pang ulat na sangkot din ito sa illegal drugs na masusing bineberipika ng mga otoridad.

vuukle comment

DEOGENES CARILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with