^

Police Metro

16-anyos dalagita kinarne ng adik

Rhoderick Beñez - Pang-masa
16-anyos dalagita kinarne ng adik
Sa ulat, ng pulisya nadiskubre lang ang ginawang krimen nang ­ibulgar ng suspek na si Morales kay Luisa Cataluña ng Barangay Cahigon, Calinog, Iloilo, na duma­ting sa kanilang bahay nitong hapon ng Sabado.
File

MANILA, Philippines — Sa loob mismo ng kanyang bahay pinatay ang isang 16-anyos na dalagita ng isa umano’y drug addict na pumasok sa bahay nito sa Zacarias Subdivision, Cabatuan, Iloilo.

Nagmistulang kinar­neng hayop ang biktima na nakilalang si Ariza Mayormente ng suspek na si Gringgo Morales, 25, ng Brgy. Bagongbong, Dueñas, Iloilo.

Sa ulat, ng pulisya nadiskubre lang ang ginawang krimen nang ­ibulgar ng suspek na si Morales kay Luisa Cataluña ng Barangay Cahigon, Calinog, Iloilo, na duma­ting sa kanilang bahay nitong hapon ng Sabado.

Nagpakilala itong kanyang pinsan na sinakyan na lamang ni Cataluña dahil hindi niya kilala ito na hindi naman lumaki sa kanilang lugar.

Sa kanilang pag-uusap ay dito nagtapat ang ginawang krimen at nais niyang tumakas papunta sa Sitio Cristobal sa bulubunduking bahagi ng barangay para doon magtago.

Pero pinayuhan ni Cataluña ang suspek na sumuko na lamang sa mga otoridad.

Ayon naman sa salaysay ng magulang ng biktimang si Ariza, dakong alas-10:30 ng gabi nang umuwi sila sa kanilang bahay at napansin na bukas ang likurang bahagi ng kanilang bahay na hindi na nila inusisa dahil sa pagod sa trabaho mula sa paglalako ng paninda sa palengke.

Kinaumagahan dakong alas-6:00 ng umaga ay nagtataka sila kung bakit hindi pa gumigising ang anak para pumasok sa eskuwela kaya’t pinasok ng nanay ng biktimang si Marilou ang silid ng anak at dito bumulaga sa kanya ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak at katawan at ginilitan pa ang leeg.

vuukle comment

ARIZA MAYORMENTE

DRUG ADDICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with