^

Police Metro

ABC president pinatay sa sabungan

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa
ABC president pinatay sa sabungan
Kinilala ng mga otoridad ang napaslang na si Brgy. Antipolo del Sur Chairman Marlon Luanc, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang pangulo ng Association of Barangay Chairman (ABC) matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na suspek habang nasa loob ng isang sabungan sa Lipa City, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

 

Kinilala ng mga otoridad ang napaslang na si Brgy. Antipolo del Sur Chairman Marlon Luanc, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima habang nasa loob ito ng Lipa Games and Amusement Complex sa Brgy. Balin­tawak.

Duguang bumulagta ang biktima habang agad namang tumakas ang mga salarin na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa nasabing sabungan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na si ­Luancing ay ilang termino na nagsilbing kapitan ng Barangay Antipolo del Sur at dati ring kumandidato bilang bise alkalde. Ang anak nitong si ­Beverly Luancing ay kasalukuyang kandidato sa pagka-konsehal at ang pamangkin namang si Makmak Luancing ay tumatakbong vice mayor ng lungsod ng Lipa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso.

vuukle comment

ASSOCIATION OF BARANGAY CHAIRMAN

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with