^

Police Metro

Cavite drug ops: 4 tigok, 23 dakma

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na drug suspek ang naitalang napatay ng mga otoridad habang 23 katao naman ang nadakma sa sunud-sunod na operasyon ng mga pulis sa mga lungsod ng Bacoor at Cavite, ayon sa ulat.

Base sa ulat mula sa tanggapan ni Provincial Director S/Supt. William Segun, dakong-1:00 ng hapon nang ikasa ng mga tauhan ni Bacoor Chief P/Supt. Vicente Cabatingan ang simultaneous implementation ng anim na search warrant sa Sitio BICOL region, Brgy. Talaba 2, Bacoor City, Cavite na ikinasawi ng mga suspek na sina Venencio Vener Banatayo, Felimon Jun Roxaz at isa pang hindi nakikilalang lalaki matapos na pumalag ang mga ito.

Habang 23 katao ang nadakma na pawang mga nasa drug watch list ng pulisya.

Lahat ng napatay na mga suspek ay nakuhanan ng tig-iisang cal. 45 pistol  habang  sa 23 pang nadakip ay nakuhanan ng mga shabu at drug paraphernalias.  

Samantala, sa Cavite City naman sa pamumuno ni P/Supt. Francisco Lucena III, dakong-10:30 ng gabi nang mapatay naman sa buy-bust ang suspek na si Ferdinand Pangilinan II alyas ‘BJ’, residente ng Brgy. 48 A San Antonio Cavite City matapos makatunog na mga pulis ang ka-transaksiyon.

Narekober dito ang isang .38 caliber revolver at isang sachet ng shabu.

vuukle comment

DAKMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with