Jeepney phase out ipapatupad sa 2021

MANILA, Philippines — Hanggang 2021 pa ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang jeepney phase out sa mga kakarag-karag na pampasaherong jeepney sa bansa.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure, Mark De Leon, ang three-year window ay sapat na para sumunod ang mga jeepney drivers na palitan ng bago ang kanilang mga sasakyan.
Anya, marapat lamang na sumunod ang mga jeepney drivers sa isinusulong na jeepney modernization program ng pamahalaan.
Bagamat tutol dito ang ilang transport groups dahil hindi umano nila kayang bayaran ang mga modernong unit ay desidido ang DOTr na ipatupad ang modernization program dahil napapanahon na ito,
Ang mga bagong jeepney ay nagkakahalaga ng mula P900,000 hanggang P1 milyon, habang ang mga electric jeepney naman ay aabot sa mula P1.5 milyon hanggang P1.8 milyon.
- Latest



















