^

Police Metro

Trader binoga sa birthday party ng ina

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 30-anyos na negosyante matapos siyang pagbabarilin ng gunman habang masayang sineselebreyt ang kaarawan ng ina at nakikipag-inuman sa ilang kaanak sa Brgy. GRS sa bayan ng Ragay, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Sanhi ng matinding tama ng mga punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dead-on-arrival ang binatang biktima na si Glen Tamayor habang tumakas naman ang suspek na kinilalang si Geronimo Gamier, 26-anyos, may asawa at kapwa residente ng Sitio Bagong-pook ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi, nag-iinuman at nagkakasayahan ang biktima kasama ang ilang bisita at kamag-anak nang dumating ang suspek bitbit ang isang kalibre .45 baril at walang sabi-sabing sunud-sunod na nirapido ng bala ang biktima hanggang sa duguang bumulagta at agad na tumakas sa di malamang direksyon.

Isa sa anggulong tinitingnan ng mga pulis ay ang matagal nang alitan ng dalawa kung saan pinagseselosan umano ng suspek ang biktima.

vuukle comment

BIRTHDAY PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with