^

Police Metro

Auditor ng HOA pinatay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasok ng hindi pa kilalang lalaki ang bahay ng isang opisyal ng home owners association (HOA) at pinagbabaril kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakilalang si Maria Theresa Malaraya Paa, 57, may-asawa, auditor ng HOA at residente ng No. 2 Livelihood St., Area C, Talanay, Brgy. Batasan Hills.

Sa salaysay ng isang Leonila Malabanan, dakong alas-7:00 ng gabi habang siya ay nanonood ng telebis­yon nang makarinig nang sunud-sunod na putok ng baril na nagmumula sa bahay ng biktima.

Kaya’t lumabas siya at pinuntahan ang bahay ng biktima at dito ay nakita niyang duguang nakabulagta at wala na ang namaril.

Agad namang ipinagbigay alam ni Malabanan ang nasabing krimen sa kanilang barangay na siya namang nag-report sa pulisya.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na may kinalaman sa pagiging opisyal ng biktima sa HOA ang motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

HOME OWNERS ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with