^

Police Metro

Pulis todas, 7 sugatan sa roadside bombing

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang pulis habang 7 iba pa ang nasugatan makaraang masabugan ng bomba na nakatanim sa kalsada na kanilang dinaanan noong bisperas ng Bagong Taon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Maguindanao Provincial Hospital ang biktimang si SPO1 Max Kaibat.

Nasugatan ang 7 kasamahan nitong pulis na sina PO3 Jalison Abdullah;PO1’s Ricardo Almonia;Alimodin Nuphay; Zainoden Abdullah; at Archie Amelista; pawang kasapi  ng Shariff Aguak Police.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay nagpapatrulya ang mga pulis upang tiyakin na matiwasay ang pagsalubong sa Bagong Taon nang maganap ang pagsabog sa highway ng Brgy. Poblacion, Shariff Aguak.

Nawasak ang patrol vehicle ng mga pulis na ikinasawi ni Kaibat at nasugatan ang dalawa nitong kasama.

Bagaman wala pang grupong umaako ng responsibilidad sa pagpapasabog ay pinaniniwalaang BIFF  fighters ang nasa likod nito.

Sa isa pang insidente ng roadside bombing ay dalawa namang sundalo ang nasugatan matapos isa pang bomba na itinanim ng mga suspek ang sumabog sa highway ng Brgy. Limpongo, Datu Hofer ng lalawigan bandang alas-7:34 ng umaga kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with