^

Police Metro

Negosyanteng Kano dedo, misis sugatan sa holdap

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang negosyanteng Amerikano habang sugatan naman ang misis nitong Pinay matapos na pagbabarilin sa harapan ng kanilang dalawang anak ng motorcycle riding in tandem suspects sa naganap na highway robbery sa Brgy. Poblacion, Pikit, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jeff Michael Keith, 60, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang misis nitong si Melodina Keith , 45 na nagtamo ng sugat sa katawan at kapwa naninirahan saVilla Ernesto, Phase 1, Gusa, Cagayan de Oro City.

Masuwerte namang nakaligtas sa insidente ang kanilang dalawang anak na sina John Peter Keith, 13 at Saraih Keith, 6.

Bago nangyari ang insidente dakong alas-2:50 ng hapon sa harapan ng NIPA store at Kage Saimah Building na matatagpuan sa Brgy. Poblacion ay bumabagtas sa  bahagi ng national highway sa nasabing lugar ang Isuzu Elf delivery truck (NG1639) na minamaneho ng Amerikano nang harangin at pagbabarilin ng riding in tandem na ikinasugat rin ng kaniyang misis.

Mabilis na nagsitakas tangay ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng P 200,000.00 patungo sa direksyon  ng Brgy. Fort,Pikit, North Cotabato. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with