^

Police Metro

Traffic Enforcer todas sa motorista

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Pinagbabaril ng isang motorista ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pag­labag sa batas trapiko kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Noel Lunas, 46, may-asawa, ng  #2940 C. Cruz St., Brgy. 147 miyembro ng Pasay City Traffic Management Office.

Ang suspek na bumaril ay kinilalang si Nashro Bagindulo, alias Cairen Mangundanao na tumakas kasama ang misis nitong si Norhinia Sema,may mga alyas  na Agua at Rose Sema, kapwa residente ng   Bella Vista Subdivision, Brgy.Santiago, General Trias, Cavite sakay ng Toyota Innova.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril dakong alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Park Avenue, tabi  ng  Muslim Mosque, Pasay City ay naka-duty ang biktima nang mamataan ang Toyota Innova sakay ang mag-asawa na lumabag sa batas trapiko na  obstruction.

Sinita ito ng biktima, subalit tumakas ang suspek kaya’t hinabol ito ng biktima gamit ang kanyang motorsiklo at naabutan sa naturang lugar.

Paglapit ng biktima ay naglabas si Ba­gindalo ng baril at pinaputukan ng ilang beses ang biktima at nang bumulagta ay tumakas ito.

vuukle comment

NOEL LUNAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with