^

Police Metro

Nagpapaputok ng baril utas sa pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki nang ito ay makipagbarilan sa mga rumes­pondeng pulis na aaresto sana sa kanya dahil sa walang habas na nagpapaputok ng kanyang baril kamakalawa sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Ang suspek na nasawi ay kinilalang si Harold Moises ng Kaligtasan St., Brgy. Batasan Hills.

Bago ang engkuwentro dakong alas-4:30 ng hapon sa kanto ng Katangian St., ay nakatanggap ang mga taga-Police Station 6 ng tawag at ilang barangay opisyal kaugnay sa isang lalaking nagpapaputok ng baril.

Rumesponde ang mga pulis sa lugar at  pagsapit doon ay nadatnan nila ang suspek na nagkakalat na may nakabukol na baril sa kanyang bewang.

Nang akmang lapitan ng mga operatiba ang suspek ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis na walang tinamaan.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis  na ikinasugat ng suspek at itinakbo sa East Avenue Medical Center, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

QUEZON CITY

BARANGAY BATASAN HILLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with