^

Police Metro

Caloocan ambush: 3 utas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki at isang babae na sakay ng isang pick -up truck ang nasawi nang tambangan sila ng hindi bababa sa apat na kalalakihan kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi dahil sa walang makuha na anumang dokumento sa kanilang katawan na inilarawan na ang nasawing nagmamaneho ng maroon Nissan Navarra Frontier (NUI 501) ay  nakasuot ng boxer shorts, walang damit pang-itaas, nasa 30-35 anyos, at 5’7”-5’8” ang taas; ang babae na may edad 20-25-anyos, nasa 4’9”-5’0” taas, at nakasuot ng pulang jacket at dilaw na shorts; at isa pang lalaki na may edad 20-25 anyos, nasa 5’4”- 5’6”, at may suot na puting t-shirt.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang pagbabarilin ng higit sa apat na salarin ang mga biktima nang makorner sa may Talipapa, Pili Street, Brgy. 178, Camarin, ng naturang lungsod. 

Ayon sa mga residente, gumanti umano ng putok ang mga sakay ng pick-up bago napaslang ang mga ito.

Palaisipan naman sa pulisya dahil walang armas na nakuha sa loob ng sasakyan, walang anumang dokumento sa pagkatao ng mga biktima at kung bakit boxer shorts lang ang suot ng isa sa mga nasawi. Hinihinala na maaaring tinangay ng mga salarin ang armas at iba pang gamit ng mga biktima bago tuluyang tumakas.

vuukle comment

MOTHER MARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with