^

Police Metro

Lasing na pulis namaril, 3 sugatan

Angie de la Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Humantong sa kalaboso ang isang lasing na pulis matapos itong maaresto ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya matapos na walang habas na  magpa­putok ng baril na ikinasugat ng 3 katao kabilang ang isang paslit sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Jerico M. Baldeo, hepe ng Novaliches Police Station 4, kasong paglabag sa R.A 1866, (illegal discharge of firearms) at frustrated homicide  ang kakaharapin ng suspect na si PO3 Edgar Navallas, nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion (RPSB), PRO4A -CALABARZON.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Arnulfo Malungad, desk officer ng QCPD PS4, ganap na alas-10:00 ng gabi kamalawa nang maganap ang insidente ng pamamaril sa Quirino Highway kanto ng Franco St., Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Lumitaw  sa imbestigasyon, galing umano  sa inuman si PO3 Navallas at nagwala ito sa nasabing lugar at walang patumanggang nagpaputok ng baril dahilan para masugatan nang tamaan ng ligaw na bala ang mga biktimang sina Ma. Shiela Gildore 27-anyos, Ricardo Abella, 29-anyos at ang 8 taong gulang na si Desiree Mendez.

Nasakote naman ng mga nagrespondeng o­peratiba ng pulisya ang suspect habang isinugod sa pagamutan ang mga sugatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with